64 na Sorsoganon, naipit sa Israel; OWWA, nakaantabay sa Bicol OFWs sa Israel na nais magpa-repatriate

Nakahanda na ang assistance ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol sa mga Bicolanos na naipit sa giyera sa Israel kung saan ang 64 dito ay mga Sorsoganon.

Ayon sa tagapagsalita ng OWWA-Bicol na si Bernard John Bonnet, nakahanda na ang kanilang programang ‘Balik Pinas, Balik Hanapbuhay para sa mga Bicolano na OFWs sa Israel na uuwi sakaling lumala pa ang kaguluhan sa nasabing bansa.

Nasa P5K-P20K ang livelihooh grant na maaaring matanggap ng mga OFWs depende sa status ng kanilang OWWA membership ito ay maliban pa sa P10K – P20K na financial relief assistance sa ilalim ng OWWA Welfare Assistance Program.

Ayon pa sa opisyal, karamihan sa Bicol OFWs sa Israel ay mga caregivers at aabot ang mga ito sa 568 kung saan ang 117 ay mula sa Albay, 150 sa Camarines Norte, 178 mula sa Camarines Sur, 30 sa Catanduanes at ang 28 ay mula sa Masbate.

Karamihan umano sa bilang na ito ay mga kababaihang caregivers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *