70% passenger capacity sa PUVs, papayagan ngayong kapaskuhan

Magpapatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng bagong panuntunan para sa passenger capacity sa mga public utility vehicles (PUV), simula ngayong araw hanggang January 4, 2022.

Sa kanilang Memorandum Circular no. 2021-076, sinabi ng LTFRB na papayagan ang 70% passenger capacity sa National Capital Region – maging sa ibang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Kaparehong passenger capacity ang papayagan sa mga probinsya sa ilalim ng Metro Manila Urban Transportation Integration Study Update and Capacity Enhancement Project, na binubuo ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Para naman sa mga rehiyon na pinapayagan ang 50% passenger capacity para sa mga PUVs, sinabi ng LTFRB na posible nilang taasan ang passenger load sa 70%, kung sila ay may 30% vaccination rate ngayong Disyembre.

Samantala, sa mga rehiyon naman na pinapayagan ang 70% passenger capacity, pero hindi pa makumpirma ang 30% vaccination rate, ay kailangang magsumite ang kanilang Regional Franchising and Regulatory Board ng memorandum sa board na may certification of vaccination rate mula sa Regional IATF o Department of Health Regional Office. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *