77 dengue cases nairecord ng Camarines Sur sa loob ng 2 linggo

NAGA CITY- Umabot sa 77 ang dengue cases sa Camarines Sur mula Hulyo 3 hanggang Hulyo 16 o sa loob ng dalawang linggo.

Ito ay batay sa record ng Department of Health Bicol, ang bilang na ito ay pinakamataas sa Bicol Region.  Kung titinggan ang record noong 2021, 19 lamang ang kaso, ibigsabihin umabot sa 305% ang increase.

Kung lalahatin mahigit 430 na ang kaso sa Camarines Sur mula Enero hanggang Hulyo 16.

Sa mga munisipalidad kasama ang lungsod ng Iriga, Pili ang may pinakamarami na umabot sa 50, sinusundan ng Cabusao at Magarao na may 37.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Municipal Health Officer Dr. Rafael Salles, may mga hakbang ang mga health office mula sa munisipyo hanggang sa mga Barangay, noong nagdaang buwan todo ang pakiusap nila na mag search and destroy sa mga puwedeng pamugaran ng lamok, may kaso man sa Barangay o wala.

Inihayag naman sa BNFM ni Acting Mayor Francis Belen na pinatutukuan niya ang mga barangay na may kaso. Mamigay na ng mga gamit ang LGU para sa dengue prevention tulad ng mga pang spray.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *