8 myembro ng CIDG-AOCU na sangkot sa robbery, arestado ng kapwa CIDG sa Angeles city

Arestado ang 8 myembro ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Anti-Organized Crime Unit, na sinasabing sangkot sa robbery incident sa Diamond Subdivision sa Angeles city.

Kinilala ang mga arestado na sina PMaj Ferdinand Mendoza, PSsg Mark Anthony Reyes Iral, PSsg Sanny Ric Alicante, PCpl Richmond Francia, PCpl John Gervic Fajardo, PCpl Kenneth Rheiner Ferrer Delfin, Pat. Leandro Veloso Mangale, at Pat. Hermogines Rosario Jr.

Batay sa report, nahuli ang mga ito matapos makatanggap ng report ang CIDG regional field unit (RFU) 3, kahapon ng madaling araw hinggil sa nagaganap umanong robbery sa isang bahay kung saan sangkot ang mga armadong lalaki na nagpakilalang mga CIDG personnel.

Nang dumating ang responding unit at makorner ang mga suspek, sinabi ng mga ito na nagsasagawa umano sila ng buybust operation ng mga baril sa lugar.

Na-rescue rin ang 7 Chinese national at isang Pinoy na kasambahay.

Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro, kabilang sa kakaharaping kaso ng mga ito ang robbery in band, extortion, at illegal detention, maliban pa sa kasong administratibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *