80% ng tourism workforce sa Bicol, nabakunahan na vs sa COVID-19; turismo, inaasahang muli nang sisigla

BICOL—Handa na ang turismo sa Bicol region sa muling pagbubukas matapos na mabakunahan na laban sa COVID-19 ang nasa 80% ng total work force nito.

Ayon kay Tourism Regional Director Herbie Aguas katumbas ito ang 6, 347 na mga tourism frontliners na bakunado na laban sa coronavirus. Kabilang sa mga ito ang mga office employees, eco-tour guides, business operators at community-based workers.

Dahil dito ay umaasa si Aguas na makakapagsimula na ang industriya ng turismo para sa muling pagbangon matapos ang hagupit ng pandemya. Sa ngayon ay umaabot na sa 596 ang mga akreditadong tourism establishments sa rehiyon.

Patuloy naman ang paghikayat sa mga hotels, restaurants at iba pang tourism establishments na sumunod sa polisiya ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpapa accredit lalo pa at libre lang naman ang accreditation.

Hinimok din nito ang mga lokal na pamahalaan na magbigay ng insentibo sa mga DOT-accredited business establishments na matamang sumusunod sa mga protocols.

Samantala, inihayag naman ni Aguas na sa muling pagbubukas ng industriya ng turismo, isa sa mga mas palalakasin pa nila ay ang farm tourism kung saan susuportahan din nila ang sector ng agrikultura.

Una rito ay inilunsad ng DOT Bicol ang Farmskuhan bilang pagtaguyod sa farm tourism. Sa darating na Nobyembre ay bubuksan na ng ahensya ang opisina nito para sa exhibit ng mga local products ng mga magsasaka at upang maitampok na rin ang iba’t-ibang kultura sa rehiyong Bicol.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *