82 PDL ng Sorsogon City District Jail, nakatakdang bomoto ngayong araw

Kabuuang 82 mga Person Deprive of Liberty ng Sorsogon City District Jail ang nakatakdang bumoto ngayong araw para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News ng pamunuan ng nasabing pasilidad.

Sa nasabing bilang 79 dito ay lalaki habang 3 naman ang mga babae.

Una rito,  nitong ika-23 ng Oktubre ay lumahok ang SCDJ sa pag-accomplish ng “Consent Form in Sharing Personal Data” ng mga botanteng PDL sa BJMP, COMELEC, Public Attorney’s Office at iba pang kinauukulang ahensya.

Buwan naman ng Enero ng kasalukuyang taon nang magkondukta ang Sorsogon City Comelec ng “Special Satellite Registration (SSR) for the Vulnerable Sector sa nasabing jail facility kung saan kabuuang 131 PDL ang nakapagparehistro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *