85.9% sa target population ng Isabela, bakunado na

Bakunado na kontra Covid-19 ang nasa 85.9% o katumbas ng 1, 079, 614 na indibidwal sa target population ng Lalawigan ng Isabela ang nakatanggap na ng atleast unang dose ng bakuna.

Ito ay batay sa datos ng Isabela Integrated Provicial Health Office ngayong araw, March 31, 2019.

Ayon sa datos, umabot na rin sa 80.1% o katumbas ng 1,007, 558 na indibidwal ang fully vaccinated na.

Habang nasa 83.1% naman ang naitalang vaccination consumption rate.

Samantala, mula sa adult population 890,985 na mga indibidwal ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang nasa 22.4% o katumbas ng 256,904 ang unvaccinated.

Naitala naman ang 188,629 individuals na kabilang sa pedia population ang nabakunahan na ng atleast first dose habang 235,078 naman ang unvaccinated.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *