Nagtala ang Pilipinas ng 8,735 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang kabuoang infections sa 1,597,689.
Ito na ang pangatlong araw kung saan naitala ang mahigit 8,000 na mga bagong kaso.
Ayon sa Department of Health, dahil sa mga bagong kaso pumalo pa ang bilang ng mga active cases sa bansa sa 63,646, ang pinakamataas na naitala simula noong May 8, kung saan 94% sa mga ito ay mild, 1.3% ang asymptomatic, 2.1% ang severe, at 1.2% ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, ang kabuoang bilang naman ng recoveries ay tumaas sa 1,506,027, matapos gumaling ang 5,930 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang ang death toll ay umakyat sa 28,016, matapos maitala ang 127 na mga bagong fatalities. //MHEL PACIA-TRINIDAD
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…
Patay ang usa ka driver homan aksidenteng nalatayan sa truck pasado alas 9 kagahapon sa…
Kinakiligan ng mga netizens ang viral gender reveal party ng magkasintahang sina Denzel Batocabe at…
CAMARINES NORTE - Inihayag ng Social Security System (SSS) na sinisiguro nito ang compliance sa…
CAMARINES NORTE - Nilinaw ng Civil Service Commission na hindi kasama sa Flexible Work Arrangement…