99 nasawi sa Bohol dahil sa Bagyong Odette

Inanunsyo ni Governor Arthur Yap na pumalo na sa 99 ang bilang ng mga nasawi mula sa hagupit ng Bagyong Odette.

Sa isang panayam ay sinabi rin ni Yap na nasa humigit-kumulang 20 ang mga indibidwal na napaulat na nawawala habang daan-daang iba pa ang sugatan mula sa pagdaan ng bagyo sa kanilang lalawigan.

Dismayado naman ang gobernador na nasa 6,000 food packs pa lang ang naipapamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa kanilang probinsya.

Natanong naman kay Yap kung hindi ito natutuwa ngayon sa tugon ng national agencies para sa mga biktima ng Odette.

Inihayag ni Yap na hahayaan niya na lamang na ang “facts” ang manghusga sa aksyon ng gobyerno lalo na at halos isang linggo na ang lumilipas mula nang dumaan sa bansa ang bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *