Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na aaksyunan nito ang napaulat na ‘di umano’y sapilitang pagre-retrieve ng Chinese Coast Guard ng kanilang rocket debris sa West Philippine Sea.
Sa pagharap ni Marcos sa media matapos ang event sa Pasay City, sinabi niyang gagawa ng hakbang ang Gobyerno ng Pilipinas para maresolba ang isyu.
Aniya, hindi raw kasi nagtutugma ang ulat ng Philippine Navy at ang counterparts nito sa China, pero sinabi ng Pangulo na mas paniniwalaan pa rin niya ang pahayag ng ating mga sundalo.
Dahil dito, pumayag siya sa rekumendasyon ni National Security Adviser Clarito Carlos na magpadala ng note verbale sa China.
Matatandaaang una nang pinasinungalingan ng Chinese Embassy ang umano’y puwersahang pag-rekober sa debris sa Spratly Islands.
#
RELATED STORIES:
China, nilinaw na hindi sila kontra sa PH visit ni US VP Kamala Harris
NSA, magpapadala ng ‘note verbale’ sa China re: sapilitang retrieval ng rocket debris sa WPS
DFA, Navy, iniimbestigahan ang umano’y debris ‘forced-retrieval’ ng Chinese Coast Guard sa WPS
Pag-atake sa WPS, otomatikong magi-invoke sa US Mutal Defense treaty – US VP Harris