China, nilinaw na hindi sila kontra sa PH visit ni US VP Kamala Harris

Nilinaw ng Chinese Government na hindi nila binibigyan ng kulay ang ginawang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Pilipinas.

Ito ay makaraang mangamba ang ilang mga eksperto sa ginawang hakbang ni Harris dahil sa posibilidad na mapalala pa nito ang tensyon sa pagitan ng mga claimants sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning na hindi naman tinututulan ng China ang interactions ni Harris sa mga regional countries.

Anila, hindi sila kokontra rito at wala rin silang ilalatag na mga counter-actions.

Sa kabila nito, dapat aniyang masigurong ang mga regional nation visits ni Harris ay para sa ikabubuti ng sitwasyon ng kapayapaan sa rehyon, at hindi makasisira sa interes ng nino ‘mang bansa.
#

RELATED STORIES:

US Vice President Kamala Harris, nanindigang dapat irespeto ang arbitral ruling na kumakampi sa Pilipinas sa West Philippine Sea

Pangulo, tiniyak na aaksyunan ang umano’y sapilitang pag-recover ng Chinese Coast Guard ng rocket debris sa West Philippine Sea

NSA, magpapadala ng ‘note verbale’ sa China re: sapilitang retrieval ng rocket debris sa WPS

DFA, Navy, iniimbestigahan ang umano’y debris ‘forced-retrieval’ ng Chinese Coast Guard sa WPS

Pilipinas at China, nagkasundo na magkaroon ng ‘aktibong konstultasyon’ sa WPS

Pag-atake sa WPS, otomatikong magi-invoke sa US Mutal Defense treaty – US VP Harris

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *