NSA, magpapadala ng ‘note verbale’ sa China re: sapilitang retrieval ng rocket debris sa WPS

Nagpahayag ng pagkabahala si National Security Adviser Clarito Carlos sa umano’y sapilitang pag-rekober ng Chinese Coast Guard ng mga debris ng kanilang rocket na bumagsak sa Pilipinas.

Matatandaaang sa ulat ng Philippine Navy – lumabas na pinigilan ‘di umano’ ng Chinese Coast Guard ang isang Filipino rubber boat na unang nakakuha ng isang ‘unidentifed floating object’ sa Spratly Islands.

Sa isang panayam, sinabi ni Carlos na ang naturang hakbang ay nagdudulot ng pagkabahala.

Hindi raw dapat nagkakaroon ng mga ganitong insidente lalo na’t katatapos lamang ng pagpupulong nina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jinping.

Giit ni Carlos, dapat ay maimbestigahan ang insidente para hindi na maulit pa lalo na’t nagkakaigihan na ang relasyon ng Pilipinas at China.

Sa ngayon, nagbigay na raw siya ng kumento sa Pangulo at hahayaan niya na itong magdesisyon sa mga nararapat na hakbang ng Gobyerno ng Pilipinas.

Inirekumenda rin ni Carlos ang pagpapadala ng note verbale sa China.

Kahapon, matatandaaang sinabi ng Armed Forces of the Philippines – Western Command (AFP-WesCom) na ipauubaya na nila sa National Task Force on the West Philippine Sea ang posibleng pagsasampa ng reklamo laban sa Chinese Coast Guard.
#

Chinese Embassy – tuloy sa pag-deny

Pinabulaanan naman ng Chinese Embassy ang umano’y sapilitang pag-retrieve ng rocket debris ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, kinontra ng embahada ang pahayag ng Philippine Navy na pinwersa ng Chinese Coast Guard ang pag-rekober sa naturang debris na bahagi ng kanilang rocket launch.

Anila, nagkaroon daw ng ‘friendly consultation’ ang China sa kanilang Filipino counterparts.

Hindi rin daw totoo na hinarangan nila ang Philippine Navy boat.

Nangyari ang insidente ilang araw bago ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan – ang teritoryong pinakamalapit sa West Philippine Sea.

Bago ito, una nang sinabi ni Harris na ano mang hakbang ng pag-atake sa Pilipinas ay otomatikong magti-trigger ng mutal defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.
#

RELATED STORIES:

US Vice President Kamala Harris, nanindigang dapat irespeto ang arbitral ruling na kumakampi sa Pilipinas sa West Philippine Sea

Pangulo, tiniyak na aaksyunan ang umano’y sapilitang pag-recover ng Chinese Coast Guard ng rocket debris sa West Philippine Sea

DFA, Navy, iniimbestigahan ang umano’y debris ‘forced-retrieval’ ng Chinese Coast Guard sa WPS

Pilipinas at China, nagkasundo na magkaroon ng ‘aktibong konstultasyon’ sa WPS

Pag-atake sa WPS, otomatikong magi-invoke sa US Mutal Defense treaty – US VP Harris

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *