12, 843 doses ng COVID-19 vaccine administered na sa Naga City

Ito ay base sa huling tala ng Health Emergency Response Task Force (HERTF). 10, 164 ang sa 1st dose habang 2, 679 ang nakatanggap ng 2nd dose o fully vaccinated na.

Pinakamataas na bilang ang A2 o mga senior citizen; 5, 053 sa 1st dose habang 1, 248 sa 2nd dose. Sinundan ng A1 o mga Health Workers na 3, 321 sa unang dose habang 1, 399 sa pangalawang dose.  32 na with comorbidity ang nakatanggap na ng 2nd dose habang 1, 790 sa 1st dose as of July 8, 2021.

Nagpapatuloy ang vaccination roll out at kahapon si Mayor Nelson Legacion ay nakatanggap na ng unang dose ng Coronavac ng Sinovac.

Samantala sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) umabot na sa 209,170 ang populasyon ng Naga. 70% ng populasyon ang target mabakunahan kaya naman patuloy ang proseso sa pagbili ng bakuna ng Naga maliban sa ibinababa ng Department of Health.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *