Kung sa pagmamahal ika nga ng iba ay walang pinipiling edad, ganon din sa Edukasyon!
Yan ang pinatunayan ng isang 82-anyos na lola na nagtapos ng Sekondarya sa Alternative Learning System sa San Marcelino, Zambales.
Sa post ng San Marcelino Public Information Office, kinilala ang kahanga-hangang lola na si Maria Estanislao.
Nakakuha rin siya ng Natatanging Karangalan Awardee noong nakaraang Virtual Graduation Ceremony.
Photo Courtesy: San Marcelino Public Information Office