Delta variant case mula sa M. Oriental, walang travel history – health exec

Kinumpirma ng health official sa Misamis Oriental na ang kaso ng active Delta COVID-19 variant mula sa Ginoog, ay walang travel history.

Ayon kay Gingoog City Assistant City Health Officer Dr. Agnes Centino, ang natukoy na Delta variant infection na isang 48-anyos na babae ay nasa bahay lang, bilang siya ay isang nanny sa baby, at wala rin umano itong bakuna.

Dagdag ni Centino, sa naturang bahay, ang nanay ng bata na siyang authorized lang lumabas,  ang unang nagpakita ng mga sintomas ng COVID-19 symptoms at na-ospital sa loob ng tatlong araw.

Ang ibang miyembro sa loob ng bahay ay nagpositibo rin, at isinailalim sa isolated, bagama’t pawang mga asymptomatic.

Matapos umano ang random sampling, nakita na ang nanny, ay may Delta variant, pero hindi pa matukoy kung ang ibang contacts nito ay may kaparehong variant. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *