SORSOGON CITY – Sunod-sunod ang operasyon ng PNP-Gubat sa karagatan upang ipatupad ang batas laban sa ilegal na pangingisda katulad ng paggamit ng fine mesh net o ‘sarap.’
Sa karagatan na sakop ng Brgy Bagacay, dakong alas 10:00 kaninang umaga, ay naaktuhan ng mga awtoridad na gumagamit ng ipinagbabawal na ‘sarap’ ang mag-tiyo na sina Leo Palcio Belaro, 34-anyos, binata at Diosdado Lacsinto Belaro, 61-anyos, binata, kapwa naninirahan sa Brgy Bagacay ng nasabing bayan.
Ayon sa hepe ng Gubat Police na si PMaj Jose Arnel Geronga, sunod-sunod din kasi na nakatatanggap sila ng report hinggil sa laganap na pagkakaroon ng ilegal na aktibidad ng pangingisda sa karagatan na kanilang sakop o Area of Responsibility (AOR).
Nakumpiska sa mga suspek ang isang set ng ‘sarap,’ mahigit-kumulang 10 kilong maliliit na isda at iba pang gamit sa pangingisda.
Mahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na pangingisda ang mga suspek.
PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon