Operasyon laban sa illegal fishing, sunod-sunod sa bayan ng Gubat

SORSOGON CITY – Sunod-sunod ang operasyon ng PNP-Gubat sa karagatan upang ipatupad ang batas laban sa ilegal na pangingisda katulad ng paggamit ng fine mesh net o ‘sarap.’

Sa karagatan na sakop ng Brgy Bagacay, dakong alas  10:00 kaninang umaga, ay naaktuhan ng mga awtoridad na gumagamit ng ipinagbabawal na ‘sarap’ ang mag-tiyo na sina Leo Palcio Belaro, 34-anyos, binata at Diosdado Lacsinto Belaro, 61-anyos, binata, kapwa naninirahan sa Brgy Bagacay ng nasabing bayan.

Ayon sa hepe ng Gubat Police na si PMaj Jose Arnel Geronga, sunod-sunod din kasi na nakatatanggap sila ng report hinggil sa laganap na pagkakaroon ng ilegal na aktibidad ng pangingisda sa karagatan na kanilang sakop o Area of Responsibility (AOR).

Nakumpiska sa mga suspek ang isang set ng ‘sarap,’ mahigit-kumulang 10 kilong maliliit na isda at iba pang gamit sa pangingisda.

Mahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na pangingisda ang mga suspek.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *