Tumanggap ng tig tatlong libong piso ang apatnapung mga lola at lolo sa bayan ng San Marcelino, Zambales.
Ito ay sa pamamagitan ng senior citizen pension payout mula sa Municipal Social Welfare and Development Office.
Ang payout na nagkakahalaga ng tatlong libong piso ay para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo.
Samantala, ibinigay ang pension sa mga lolo at lola nakalipas na araw ng Huwebes.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
San Marcelino PIO