Abogado ng SMNI, giniit na paglabag sa batas ang pagsuspende ng NTC sa SMNI

Nanindigan ang abogado ng Sonshine Media Network International na labag sa batas ang suspension ng National Telecommunications Commission.

Ayon kay Atty. Rolex Suplico, nilabag ng NTC ang due process nang suspendihin nito ang operasyon ng SMNI.

Sinabi ni Atty. Suplico, sinuspende ang SMNI ng walang isinagawang pagdinig kaya’t paglabag ito umano sa due process of probisyon sa 1987 constitution.

Aniya pinarusahan ang SMNI ng hindi binibigyan ng pagkakataon na humarap sa Korte.

Inanunsyo naman ng NTC nitong Huwebes na sinuspende nito ang network ng 30 days bilang pagsasa-alang alang sa panawagan ng Kamara suspendihin ito dahil sa ilang paglabag sa prangkisa ng naturang network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *