AFP, PNP sa So.Cot nakatanggap ng mga sasakyan mula sa PPOC

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng mga sasakyan ang mga miyembro ng Provincial Peace and Order Council o PPOC ng South Cotabato mula sa POC Fund.

Kabilang sa mga nakatanggap ng brand new motorcycle ang 5th Special Forces Battalion at 12th Special Forces Company ng Philippine Army, at ang SWAT Team ng South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO).

Samantala, brand new pickup truck naman ang natanggap ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Provincial Mobile Force Battalion 1, Intelligence Unit ng SCPPO at Tupi PNP.

Ang naturang sasakyan ang inaasahang makatutulong ng malaki sa anti-criminality campaigns ng AFP at PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *