Agarang rehabilitation sa Misamis Occidental, ipinag-utos ng Pangulo

Personal na binisita ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha dulot ng Shaer Line sa Misamis Occidental.

Pinangunahan ng pangulo ang pamamahagi ng nasa P16.04 million na halaga ng tulong sa mga naapektuhang pamilya sa naturang Lalawigan.

Nakatanggap din ng tig-P5,000 ang bawat pamilya ng nasa 1,500 na mga benificiaries.

Nangakor in ang Pangulo na nakikipag-coordinate na sila sa National Housing Authority (NHA) para sa resettlement ng mga nawalan ng tahanan.

Matapos nito, idinaos nman ang isang situation briefing kasama ang iba’t ibang mga opisyal at mga LGUs.

Dito ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapabilis sa ang rehabilitation sa mga nasirang imprastraktura at magsagawa ng pag-aaral kung paano masosolusyonan ang pagbaha sa Misamis Occidental.

Iminungkahu naman ng mga local officials ng Misamis Occidental ang pag-construct ng imprastraktura na kayang i-divert ang tubig papunta sa umaagos na ilog, upang mabawasan ang baha sa bayan ng Clarin.

Suhestyon naman ng Pangulo na humingi ang bansa ng tulong sa Japan, sapagkat may sapat iyong karanasan at expertise sa pagtugon sa mga baha.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *