Albay nagtala ng mataas na COVID-19 cases kahapon para sa buwan ng Agosto

BICOL—Mula nang pumasok ang buwan ng Agosto ay naging kapansin-pansin ang pagbaba ng daily cases ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay kung saan halos hindi na ito lumalagpas ng 20 kaso kada araw.

Pero sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH) Bicol kahapon, pumalo sa 24 ang bagong kaso sa lalawigan at isa naman ang nadagdag sa mga nasawi.

Ito ang unang pagkakataon na lumagpas muli ang naitalang kaso sa loob ng isang araw sa 20.

Pito sa mga bagong kaso ay nagmula sa lungsod ng Legazpi, apat sa bayan ng Polangui, tatlo sa bayan ng Sto. Domingo at gayundin sa lungsod ng Tabaco, dalawa sa bayan ng Oas at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Libon, Manito at Pio Duran.

Dahil dito, tumaas na muli sa 299 ang aktibong kaso ng sakit matapos wala ring maitalang bagong gumaling.

Dahil sa isang pagkasawing nadagdag ay umakyat na rin sa 221 ang fatalities.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 5,271 ang total cases sa Albay habang 4,751 na nito ang mga nakarekober.

Sa gitna nito ay patuloy ang vaccination rollout kasabay ng paghikayat sa mga Albayano na magpabakuna na at panatilihin ang pagsunod sa mga health protocols upang maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng sakit sa lalawigan.# || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *