Albay Provincial Education Department, dinagsa para sa educational assistance ng mga estudyante sa kolehiyo

LEGAZPI CITY – Pinilahan kaninang umaga ng mga estudyante ang Albay Provincial Education Department para mapabilang sa ibibigay na Financial Educational Assistance ng provincial government ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Cham Zuñiga, head ng nasabing opisina, araw-araw na dinadagsa ang kanilang tanggapan para sa nasabing programa.

Sa unang araw pa lang ay umabot na sa mahigit 300 ang napasama sa listahan ng mga benepisyaryo.

Ang bawat mag-aaral sa elementarya ay tatanggap ng P1,000; P2,000 sa Junior High School; P3,000 Senior High School; at P4,000 para sa mga nasa kolehiyo o bokasyonal na paaralan.

Ang ibibigay na assistance sa mga mag-aaral ay para sa kanilang pang-araw araw na pangailangan, kagamitan sa paaralan o projetcs.

Layunin ng programa ito na tulungan ang mga estudyanteng mahihirap o walang kakayahang bumili ng gamit na naging dahilan ng kanilang paghinto sa pag-aaral.

Inaatasan ng PED na ang mga aplikante ay kailangan magsusumite ng kanilang mga sertipiko ng indigency, mga rekord mula sa kanilang mga paaralan na bilang patunay na sila ay kasalukuyang naka-enrol at mga dokumentong magpapatunay na sila ay naninirahan sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *