Albayana, kinoronahan bilang Ms. Global 2022 sa Indonesia

LEGAZPI-Isang Bicolana Beauty ang pinarangalan sa kakatapos pa lamang na MISS GLOBAL 2022 na ginanap sa Bali Indonesia.

Si Miss Philippines Shane Quintana Tormes  na taga bayan ng Polangui Albay ang nakasungkit ng korona at nakatanggap ng award bilang best in talent.

 Samantalang 1st runner up naman si Miss Malaysia, sinundan ni Miss Australia at Miss Lithuania.

Taong 2020, isa sya sa Philippines Earth 2020 Elemental Queens at nakoronahan bilang Miss Philippines Earth – Fire.

Noong 2018 at 2019, nirepresenta niya ang kanyang bayan ng Polangui sa Binibining Pilipinas pageant at nakuha ang Miss Friendship and Best in Talent awards sa dalawang taon.

Marami na rin siyang sinalihan ng beauty pageant local.

Si Shane ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa Polytechnic University of the Philippines. At maliban sa pagiging professional host, model, singer, isa rin siya sa advocate kontra HIV-AIDS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *