ALECO-APEC task force nagpadala ng dalawang teams na tutulong sa bohol matapos hagupitin ng super typhoon Odette

LEGAZPI CITY – Bumabyahe na ngayon ang Aleco Apec Task Force Odette patungong Bohol para tumulong rin na mapailawan ang nasabing Lalawigan.

Ayon kay Patricia Gutierrez, ang tagapagsalita ng nasabing corporation, walong myembro ng Apec ang kanilang ipinadala patungong Bohol upang tulungan na mapabilis ang pagpapailaw sa lugar.

Aniya, ang pagpapadala ng mga empleyado ng Apec ay pagtulong din ito ng ginawa ng Bohol Cooperative na sila rin ay nagpadala ng mga lineman na tumulong sa Albay upang ayusin at linisin ang nagtumbahan ng mga poste nitong nagdaang bagyo.

Maaari rin umano na abutin ang kanilang ipinadalang empleyado sa nabangit na lugar hanggang bagong taon.

Hindi rin nila alam kung saan sila sa lugar ng Bohol na mag- aayos dahil pag uusapan pa ito ng LGU’s at Cooperative.

Samantala, tiniyak rin ng Apec na hindi pababayaan ang Albay anu man ang pangangailangan pagdating sa serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *