Alex Eala, aabante sa qualifying round ng WTA 1000

Nagtala na naman ng isa pang impresibong tagumpay ang Pinay tennis star na si Alex Eala.

Ito’y matapos niyang manalo laban sa dating world No. 5 at French Open finalist na si Sara Errani ng Italy sa qualifiers ng Miami Open 2024 sa Florida.

Sa mga final scores na 6-3 at 6-1, ginula ni Eala ang Italyano na nagpaabante sa kanya sa uling qualifying round ng WTA 1000 event.

Sunod niyang haharapin si Emiliana Arango ng Columbia.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *