Uncategorized

Alkalde ng bayan ng Mercedes humirit ng lambat sa BFAR para sa mga maliliit na mangingisda na nabigyan ng bangka

CAMARINES NORTE- Humirit si Mercedes Camarines Norte Mayor Alexander Pajarillo sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mabigyan rin ng gagamiting lambat ang mga Mercedenos na benepisyaryo ng bangka na ipinamahagi ng ahensiya kamakailan.

Ayon sa Alkalde kadalasan daw kasi na kapag hindi kumpleto ang naibibigay na tulong ay hindi nagagamit at nakaparada lang ito.

Kasabay nito ay nangako rin ang opisyal na handang tumulong ang Lokal na Pamahalaan sa repair ng bangka sa sandaling kailanganin.

Mababatid na karamihan sa sampung benepisyaro ng bangka na ipinamahagi ng BFAR noong Miyerkules ay mga taga Mercedes.

Hindi naman nabigo ang Alkalde dahil agad na nagbigay ng commitment si OIC Regional Director Nelson Bien.

Sa hiwalay na panayam ng Brigada News FM Daet siniguro ni Bien na isusunod nila ang mga lambat na kakailanganin ng mga benepisyaro ng bangka.

Sa dami daw kasi ng dapat tulungan ay limitado lang rin ang resources ng gobyerno.

BNFM Daet

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

21 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

33 mins ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

42 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

45 mins ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

51 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago