Nagsagawa na ng groundbreaking at capsule laying ceremony ang Apalit Municipal Government, kasama ang Pampanga Provincial Government at Department of Public Works and Highways o DPWH, sa gagawing Provincial Government Hospital Annex sa Brgy. Sampaloc, Apalit.
Sa unang phase nito, naglaan ng P70.2-milyon na pondo ang DPWH mula sa General Appropriations Act sa ilalim ng National Building Program. Nasa P300-milyon ang kabuuang pondo para sa pagpapatayo sa ospital.
Ang limang palapag na ospital ay magkakaroon ng dalawampu’t-apat (24) na 5-bed wards at mga silid para sa ob-gynecology, maternity, radiology, pharmacy, dental, pediatrics, at surgery.