APAO hinimok ang mga Albayano na mamuhunan sa pagsasaka

LEGAZPI CITY – Hinimok ng Albay Provincial Agriculture Office (APAO) ang mga Albayano na mamuhunan sa pagsasaka sa huling araw ng round-up ng agri-mission sa buong lalawigan.

Kasabay nito ang APAO ay namigay ng ready-to-plant na mga buto ng kangkong, patola, pechay, at kalabasa, na magbibigay sa mga residente ng masaganang ani sa loob ng 2 hanggang 3 buwan kung naitanim ng tama.

Layunin nito na tulungan ang mga tao na mamuhunan sa agrikultura sa pamamagitan ng pagtatanim halimbawa ng root crops upang mapalawak ang produktibidad nito kahit pa sa kani-kanilang mga bakuran.

Ayon pa sa isang APAO team member, hindi lamang agrikultura ang tinututukan ng kanilang tanggapan kundi maging ang pagpapaganda ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *