Asawa ni US Speaker Pelosi, naghain ng ‘guilty plea’ re: DUI case

Nagpasok ng “guilty plea” ang asawa ni US House Speaker Nancy Pelosi sa kasong “driving unter the influence of alcohol” noong Mayo.

Dahil dito, nahatulan ng parusang limang araw na pagkakabilanggo si Paul Pelosi bagamat naisilbi na niya ang dalawang araw.

Si Pelosi ay isasailalim sa probation sa loob ng tatlong taon habang magmumulta ng fine na $1,700.

Ipinag-utos din ng korte ang interlock ignition device sa kanyang sasakyan nang isang taon at kailangan niyang dumalo ng 3-month drinking-driver class.

Matatandaan na naaresto si Pelosi noong May 28 sa isang banggaan sa Napa California. (LEO NAVARRO-MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *