Atty. Chel Diokno, mariing kinundina ang hindi umanong makatarungang pag aresto kina Jade Castro

Iginiit ni dating Senator aspirant Atty. Chel Diokno na walang sapat na dahilan ang pag aresto sa mga umano’y suspek sa panununog ng isang Mini Bus sa Catanauan, Quezon.

Ayon kay Diokno, hindi umano naaktuhan ng mga awtoridad na ginagawa ng mga suspek ang krimen, wala din umanong lehitimong hot pursuit operation, at lalo’t higit hindi tumakas ang mga ito sa kulungan.

Saad nito na ayon sa Korte Suprema pwede lamang arestuhin ng mga kapulisan ang suspek ng walang warrant kung ito ay nahuli sa akto, may lehitimong hot pursuit, at tumakas sa kustodiya ng awtoridad.

Dagdag pa nito, hindi umano nagawa ng inquest prosecutor na alamin kung legal ang isinagawang warrantless arrest kina Jade Castro.

Sa huli, nanawagan si Atty. Diokno sa awtoridad na palayain at iimbestigahan ng mabuti ang nangyaring pag aresto sa mga umano’y suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *