Award-winning writer sa Japan, inaming gumamit ng ChatGPT?

Isang babaeng manunulat sa Japan na kung saan ginawaran ng isang prestihiyosong award sa larangang ng literatura ang ngayo’y nag-amin na ang kanyang piyesa ay naisulat sa tulong ng ChatGPT?

What?

Tama kayo sa inyong nabasa, dahil siya mismo ang nag-amin na 5% sa kanyang naisulat ay dahil sa isang chatbot.


Sabi niya’y: “This is a novel written by making full use of a generative AI like ChatGPT, and probably about 5 percent of the whole text is written directly from the generative AI.”

Ikinabahala naman ito ng mga netizen dahil saad nila ay ano na lamang ang mangyayari sa literatura natin ngayong naglipana na ang ganitong mga Artificial Intelligence o AI powered technologies kagaya ng ChatGPT.

Ngunit saad naman ng isa sa mga tumayong jury na hindi umano malaking bagay ang paggamit ni Kudan ng ChatGPT sa kanyang mga naisulat na artikulo sa kanyang libro. ### KENNETH BERMIL


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *