Bagong BIR chief, pag-aaralan ang kaso ng Marcos estate tax

Susuriin ng bagong pinuno ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang naiulat na hindi pa nababayarang estate tax ng pamilya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam sinabi ni BIR chief Romeo Lumagui Jr., pag-aaralan at sisiguraduhin umano nila na ang lahat ng magiging aksyon ng ahensiya ay naaayon sa batas.

Noong 1997, ang Korte Suprema ay nagdesisyon with finality sa ₱23 bilyon estate taxes na pagkakautang ng pamilya Marcos sa gobyerno. Lumobo umano ang tax liability sa ₱203 billion dahil sa mga penalty at surcharges.

Nauna nang sumang-ayon ang partido pulitikal ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas na ang desisyon ng mataas na hukuman ay final at executory, ngunit ang mga surcharge ay maaari pa ring isailalim sa reconciliation.

Samantala, nangako rin si Lumagui na magiging agresibo ang ang ahensiya sa kanilang kampanya laban sa mga tax evaders.

RELATED STORY:

Incoming BIR Chief, ipapaubaya sa korte ang umanoy unpaid estate tax ng pamilya Marcos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *