Bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, mas sumipa pa sa 1,243

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na mas sumipa pa ang mga bagong kaso ng Covid-19 sa bansa kung saan naitala ang 1,243 cases nitong Biyernes.

Ito na umano ang pinakamataas na tally simula noong Pebrero ngayong taon na nasa 1,223 cases.

Umakyta sa 8,706 ang tally ng mga aktibong kaso ng naturang sakit na dating 7,871 nitong Huwebes.

Samantala, nasa 5,120 ang kaso sa National Capital Region, 1,832 sa Calabarzon, 898 sa Western Visayas, 727 sa Central Luzon habang 488 naman sa Central Visayas. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *