Bangkay ng lalaki sa India, isang taong itinago ng pamilya sakanilang bahay bago inilibing

NAGING USAP-USAPAN sa bansang India ang bangkay ng isang lalaki na bagamat isang taon nang namatay ay hindi inilibing ng kanyang pamilya at bagkus ay inalagaan na lamang sa isang silid na tila pasyenteng may karamdaman lamang.

Umugong ang kwento hinggil sa insidente matapos na maibalita ng pahayagang Times of India ang ginawang pagtago sa bangkay ng lalaking si Vimlesh Sonkar na nasawi dahil sa COVID-19 noong Abril pa ng nagdaang taon.

Batay sa ulat, hindi umano tinanggap ng naulilang pamilya nito ang death certificate na inilabas ng ospital kung saan isinugod si Sonkar at sa halip ay inuwi sakanilang bahay sa pag-aakalang comatose lamang ito.

Araw-araw na nililinisan ng pamilya nito ang bangkay gamit ang disinfectant, binibihisan at isinilid sa kwartong bukas ang aircon, umulan man o umaraw.

Kalaunan, nadiskubre ng mga dating ka-trabaho ni Sonkar ang nangyari sa bangkay nito kung kaya’t ito’y kanilang ipinaalam sa mga otoridad na silang naging susi para matanggap ng naulilang pamilya, na si Sonkar ay patay na at kailangang mabigyan ng disenteng libing.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *