Bangkay ng tatlong nawawalang rapper, natagpuan sa isang basement sa Detroit

Natagpuan sa basement ng isang abandonadong apartment building sa Detroit ang bangkay ng tatlong nawawalang rapper na ayon sa mga awtoridad ay biktima ng homicide.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Montoya Givens, Armani Kelly at Dante Wicker

Isasagawa ang autopsy sa mga biktima upang matukoy ang sanhi ng kanilang kamatayan.

Si Givens, Kelly at Wicker ay iniulat na nawawala noong January 21 matapos ang kanilang scheduled performance sa isang Detroit club.

Isang 15-anyos na batang lalaki ang inaresto noong nakaraang linggo matapos mamataan minamaneho ang kotse ni Kelly ngunit hindi sinampahan ng kaso kaugnay ng mga pagpatay.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *