Local News

Barangay Tanod, sugatan matapos bumulusok sa bangin ang minamanehong tricycle sa Sagñay, Camarines sur

NAGA CITY—Sugatan ang isang Tanod ng Barangay matapos mahulog sa bangin habang sakay ng minamaneho nitong tricycle sa isang Barangay ng Sagñay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jolito Bragais, 55 taong gulang, residente at Tanod ng Barangay Patitinan, Sagñay.

Bandang alas-8:00 ng umaga habang tinatahak nito ang pakurbadang daan ng Barangay Bongalon parehong bayan nang bigla umanong nawalan ng kontrol sa manibela si Bragais dahilan upang bumulusok ito pababa sa halos 30 metrong lalim ng bangin.

Agad namang nasaklolohan ng mga residente at nadala sa ospital ang biktima na nagtamo ng malaking sugat sa ulo.

Ayon sa impormasyon, ito na umano ang pangatlong beses na nahulog sa bangin si Bragais at pag-iisipan na nito kung magmamaneho pa siyang muli ng tricycle.

BNFM Naga

Recent Posts

PNP, walang impormasyon sa 2 aktibong general na sangkot sa destab plot vs Marcos admin

Walang natatanggap na impormasyon ang Philippine National Police (PNP) na may 2 aktibong heneral na…

1 hour ago

Ombudsman – pinagtibay ang paghahain ng graft vs sa PS-DBM officials re Pharmally scam

Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang desisyon nito noong 2023 para madiin sa kasong…

1 hour ago

DFA: ‘unverified phone call’ ng China at WesCom – layunin lang magdulot ng kalituhan

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa ipinakakalat na balita ng China na…

1 hour ago

SP Zubiri , binweltahan si Labor Sec. Laguesma sa pagtutol nito sa wage hike

Nagsisimula na umanong maging isa sa mga 'unpopular' na Labor Secretary ng Department of Labor…

1 hour ago

BuCor chief Catapang – nabigla raw sa isyu ng strip searching sa Bilibid

Nagtataka raw ngayon si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. sa reklamong…

1 hour ago

Driver ng PNP van na tumakas matapos sitahin sa pagdaan sa busway, inalis muna sa pwesto

Nirelieved muna sa pwesto ang pulis na nagmamaneho ng puting PNP Van na tumakas sa…

1 hour ago