Local News

Mga Senior Citizen posibleng susunod nang babakunahan-DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Maaari na umanong mabigyan ng bakuna ang mga Senior Citizen at Comorbidity sa Bicol Region sa oras na mabakunahan ang lahat na nasa A1 priority group o medical healthcare workers.


Ito ang inihayag ni Dr Lulu Santiago, ang covid 19 Vaccination program ng Department of Health (DOH) Bicol sa pressconference kahapon.

Ayon kay Santiago, posibleng isusunod na sa pagbabakuna ang nasa A2 at A3 priority group dahil sa mayroon naman sobra o matitira na bakuna na dumating nitong nakaraang araw kung saan ay nakalaan para sa A1.


Umaabot kasi sa mahigit 129K ang dumating na coronavac vaccines sa nasabing rehiyon kung saan sasapat na ang bakuna para public at private na ospital sa healthcare workers.

Nasa 226, 894 na senior citizen ang nakapagrehistro sa Bicol base sa huling tala ng Vaccination Information Management System-Immunization Registry.


Hinikayat na rin ang publiko na magparehistro na sa malapit na health center upang mabigyan ng bakuna kontra covid 19.


Tinatayang mahigit 110, 810 na healthcare workers ang nakarehistro sa A1 priority group.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

2 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

2 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

2 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

2 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

2 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

2 hours ago