Baril at mahigit 241k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa inihaing search warrant ng Catanauan MPS; Suspek, arestado

Arestado ang isang lalaki matapos ang inihaing search warrant ng mga personahe ng Catanauan Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Sta Maria Dao, ng nasabing bayan nitong Linggo, Abril 9.

Ayon sa report, bandang alas 5:00 ng hapon isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay Apolinario Sipocot, 59-anyos, magsasaka, at residente ng naturang lugar.

Sa gitna ng paghahalughog sa tahanan nito, nasabat ang walong (8) sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 11.86 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱241,000.

Nakumpiska rin ang isang (1) sling bag, isang (1) pakete ng sigarilyo, limang (5) lighter, tatlong (3) aluminum foil strip, at isang (1) eyeglass case na kung saan nakapaloob ang labing-siyam (19) na aluminum foil strip.

Nasamsam rin ang isang (1) Caliber 45 ARMSCOR, isang (1) magasin para sa naturang baril na naglalaman ng walong (8) piraso ng bala. Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Law on Fireams and Ammunitions Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *