Batang babae – himilang na-rescue mula sa landslide sa Davao de Oro

Itinuturing na isang malaking himala ang pagkakaligtas sa tres-anyos na batang babae tatlong araw matapos itong matabunan ng lupa sa landslide na nangyari sa Zone 1, Masara, Davao de Oro.

Ito ay ayon kay Mawab Mayor Robert Gonzaga matapos umano niyang makausap ang ama ng child survivor na kinilalang si Chin-Chin Malacaste.

Ayon sa ama ni Chinchin na si Orlando Malacaste, nasa trabaho siya nang maganap ang landslide at naiwan sa kanilang bahay ang kanyang asawa at dalawang anak.

Patuloy pa ang paghahanap sa maybahay ni Orlando na kinilalang si Tata Malacaste at ang 17-anyos niyang anak na si Shaira at umaasa siyang tulad ni Chin-Chin ay buhay pa ang mga ito.

Ngayong araw ay nagpapatuloy pa ang search, rescue at retrieval operation sa mahigit isang daan pang nawawalang residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *