BAYAN sa Duterte-Duterte tandem sa 2022: ‘sobra na, tama , wakasan na’

BICOL—”Sobra na, tama na, wakasan na! ” Ito ang panawagan ng Bagong Alyansang Makabayan Bicol laban sa umuugong na tambalang Duterte-Duterte sa 2022 national elections.

Lumabas kasi ang mga usapin sa pagtakbo bilang pangulo ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte kung saan magiging running mate nito sa pagkabise presidente ang kanyang ama.

Ayon kay Bayan Bicol Chairman Jen Nagrampa, ayaw na nilang maranasan ng sambayanang Pilipino ang tinawag nilang Dinastiyang Duterte sa loob ng panibagong limang taon.

Anya, litaw ang pamumulitika sa ilalim ng pamunuang Duterte kung saan gaya umano ng sinasabi ni Senator Manny Pacquiao, tinatanggal nito ang sinumang hindi nito kursunada na kontra sa kanya.

Maliban pa ito sa anya’y naging talamak na extra judicial killings sa rehimeng Duterte kung saan nakapagtala ng 114 EJK sa Bicol region simula noong manungkulan ito noong 2016.

34 naman na mga political prisoners ang ikinulong kung saan ang pinakamarami umano ay noong 2020 kasunod ng pagkakalagda sa Anti-terrorism Law. Binanggit pa nito ang ilan sa mga anya’y biktima ng mga gawa gawang kaso na ikinulong kabilang sina Ramon Rescovilla ng Condor Piston Bicol, Nelsy Rodriguez ng Bayan CamSur, Pastor Dan San Andres ng Karapatan, Pastor Dan Balucio ng Bayan Bicol at dalawang iba pa.

Kahapon, sabay sabay na ikinasa ng grupo ang Kadena Bicolandia kung saan isinagawa anv mga kilos protesta sa iba’t-ibang lugar sa Bicol region kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. || with reports from BNFM Legazpi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *