Beijing hindi magbebenta ng tickets para sa Winter Olympic at Paralympic games

Kinumpirma ng Beijing na walang ticket ang ibebenta sa general public para sa nalalapit na Winter Olympic at Paralympic games dahil sa COVID-19.

Ayon sa Olympic committee, layon ng hakbang na maprotektahan ang mga Olympic personnel at spectators kaya nagbago ang dati nilang plano na magbenta ng tickets para makanood ang publiko sa mga palaro.

Inihayag ng mga opisyal na inimbitahan nila ang ilang grupo ng mga spectators na manood sa mga games pero dapat sumunod ang mga ito sa mahigpit na COVID-19 prevention and control requirements bago, habang at pagkatapos manood.

Ang pinakahuling anunsyo ng pagbabago sa mga protocols ay kasunod ng unang kaso ng Omicron variant sa Beijing noong January 15.

Nakatakdang magsimula ang Beijing Winter olympics sa Pebrero 4 habang sa March 4 naman ang Paralympic winter games.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *