Bicol region nagtala lamang ng 25 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

BICOL—Umabot lamang sa 25 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Bicol region ngayong araw.

Ayon kay Ken Nuyda, Nurse 5 ng Department of Health (DOH) Bicol, ilan sa mga probinsya ay bigong makapgsumite ng kanilang specimen.

Nagtala ng pinakamaraming kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 24 kung saan walo nito ay mula sa lungsod ng Naga, lima sa bayan ng Nabua, apat sa bayan ng Canaman, tigdalawa ang bayan ng Calabanga at Ragay at tig-iisa ang mga bayan ng Bula, Libmanan at San Jose.

Isang kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Masbate na nagmula sa Masbate City.

Zero positive case ang lalawigan ng Albay at Sorsogon habang bigong makapagpadala ng specimen Camarines Norte at Catanduanes.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 22,738 ang total COVID-19 cases sa Bicol region. 18, 680 nito ang mga gumaling matapos na madagdagan ng panibagong 20 kung saan 19 nito ay mula sa lalawigan ng Sorsogon at isa sa Catanduanes.

Sumampa na rin sa 858 ang death toll matapos na magtala ng panibagong dalawang kaso ng pagkasawi, isa nito ay mula sa Albay at isa sa Masbate.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *