Bicol region nagtala ng panibagong record high na bilang ng mga bagong gumaling mula sa COVID-19

BICOL—Pumalo na sa kabuuang 34,345 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng panibagong record high na 1,222 na mga bagong recoveries.

1,073 ay mula sa Camarines Sur, 40 sa Masbate, 32 sa Catanduanes, 31 sa Camarines Norte, 25 sa Naga City at 21 sa Sorsogon.

Samantala, 162 ang mga bagong kasong naitala kung saan 60 nito ay mula sa Catanduanes. 16 ang mula sa bayan ng Virac, 12 sa Bato, walo sa Panganiban, tigpito ang Caramoran at San Andres, apat sa San Miguel, tatlo sa Pandan, dalawa sa Baras at isa sa Bagamanoc.

51 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan 32 nito ay mula sa Naga City, apat sa Canaman, tigtatlo ang Calabanga at Lagonoy at tig-iisa ang Balatan, Buhi, Gainza, Magarao, Nabua, Ocampo, Pili, Tigaon at Tinambac.

25 ang bagong kaso sa Albay kung saan sampo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, anim sa Daraga, tatlo sa Ligao, tigdalawa ang Polangui at Tiwi at tig-isa ang Camalig at Guinobatan.

Sampo ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan tigdalawa ang Daet at Paracale habang tig-iisa naman ang Basud, Labo, Mercedes, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Vinzons.

Sampo rin ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa Irosin at isa sa Gubat.

Ang Masbate ay may anim na bagong kaso kung saan tatlo nito ay mula sa Cataingan, dalawa sa Aroroy at isa sa San Fernando.

Pumalo na rin sa 1,456 ang death toll matapos madagdagan ng 16 na bagong nasawi kung saan pito nito ay mula sa Camarines Sur, lima sa Naga City at apat sa Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *