Bicol region nakapagtala ng 499 na mga bagong kaso, 212 recoveries at 5 pagkasawi sa COVID-19, kahapon

BNFM BICOL—Nakapagtala ng 499 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol kahapon batay sa ulat ng Department of Health.

Sa naturang bilang, ang Camarines muli ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso na mayroong 229 kung saan 83 sa mga ito ang mula sa Naga City; 19 sa Pili; 13 sa Canaman; 11 sa Camaligan; sampo sa Cabusao at Goa; siyam sa Bombon at Iriga City; pito sa Lagonoy, Libmanan at Nabua; anim sa San  Jose at Sipocot; lima sa Tigaon; apat sa Magarao at San Fernando; tatlo sa Pasacao; tagda-dalawang kaso ang mga bayan ng Baao, Gainza, Milaor, Minalabac, Ocampo at Tinambac habang tag-iisa naman sa Bato, Calabanga, Del Gallego at Pamplona.

Ang lalawigan ng Albay ay mayroong 130 mga bagong kaso kung saan 42 sa mga ito ang mula sa Legazpi City; 18 sa lungsod ng Ligao; 16 sa Guinobatan; 14 sa Daraga; walo sa Camalig; anim sa Tabaco City; lima sa Manito; apat sa Polangui; tatlo sa Bacacay ar Libon; dalawa sa Malilipot, Oas, Rapu-Rapu at Sto. Domingo habang may isa naman sa Jovellar, Pio Duran at Tiwi.

Samantala, 98 kaso naman ang naidagdag sa Sorsogon kung saan 45 sa mga ito ang mula sa Sorsogon City; siyam sa Casiguran at Irosin; anim sa Gubat; lima sa Castilla at Donsol; apat sa Bulan; tatlo sa Barcelona, Bulusan at Prieto Diaz; dalawa sa Juban at Magallanes at may tag isa naman ang Magallanes at Pilar.

Sa islang lalawigan ng Catanduanes, 29 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 kung saan siyam sa mga ito ang mula sa bayan ng Virac; lima sa Bato at San Andres; tatlo sa Panganiban; dalawa sa San Miguel at tag iisa naman sa mga bayan ng Bagamanoc, Baras, Caramoran, Gigmoto at Pandan  .

Umabot naman sa siyam na kaso ang naidagdag sa Camarines Norte kung saan tagda-dalawang kaso ang bayan ng Daet, Basud at Vinzons habang tag-iisa naman ang Labo, San Lorenzo Ruiz at Talisay.

Ang probinsya ng Masbate ay may apat na mga bagong kaso ng sakit kung saan ang mga ito ay nagmula sa Aroroy, Milagros, Mobo at Placer.

Bunsod nito, sumirit na sa 8,866 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol mula sa 55,669 na mga naitalang kumpirmadong kaso mula pa noong March 27, 2020.

Pumalo na rin sa 44,769 ang bilang ng recoveries, makaraang madagdagan ng 212 mga gumaling kahapon habang lima naman ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi na sa kasalukuyan ay pumapalo na sa kabuuang 2,034.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *