Bilang ng mga nabiktima ng paputok sa Bicol sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon, pumalo na sa 13

BICOL—UMAKYAT na sa 13 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal sa Bicol region ang nabiktima ng paputok matapos ang selebrasyon ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.

Batay sa datus ng ahensya mula December 21, 2021 hanggang January 2, 2022, ang lalawigan ng Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakaraming indibidwal na nabiktima ng paputok na mayroong lima; sinundan ng Albay na may 3, dalawa sa Camarines Norte habang may tig-iisa ang lalawigan ng Sorsogon; Naga City at Legazpi City.

Sa naturang bilang, anim ang mga nabiktima ng ipinagbabawal na Kwitis; apat rin ang naputukan ng Five-star; isa ang biktima ng Fountain habang dalawang indibidwal ang nabiktima ng iba pang uri ng paputok.

Labingdalawa sa mga ito ang mga outpatient o agad ding nakalabas ng pagamutan matapos malapatan ng lunas habang isa ang kasalukuyan pang nagpapagaling sa pagamutan.

Maswerte namang walang naitalang insidente ng pagkasawi ang rehiyon dahil sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon, habang nagpapatuloy naman ngayon ang validation ng ahensya sa posibilidad na madagdagan pa ang naitatalang mga Fireworks Related Injuries sa Bicol sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *