Umabot na sa mahigit dalawamput tatlong libo ang bilang ng registered voters sa bayan ng San Marcelino, Zambales.
Ito ay base sa datos na ibinigay Commission On Elections o COMELEC isang linggo bago matapos ang deadline ng voter’s registration para sa mga kwalipikadong bumoto.
Ayon sa comelec inaasahan na mas dadami pa ang maidadagdag sa magpaparehistro dahil marami pa ang mga residenteng pumupunta sa opisina.
Samantala, kumpara noong nakalipas na voter’s registration mas mataas ngayon ang bilang ng mga nagparehistro para sa national election.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO