Bill para sa tax exemption sa mga poll workers, vi-neto ni Pangulong Marcos

Tuluyan nang i-veneto ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukala na layon sanang mabigyan ng tax exemption ang honoraria at allowances na ipagkakaloob sa kawani ng pamahalaan na maglilingkod tuwing mayroong halalan.

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie-Cruz Angeles ang naging desisyon ni Marcos dahil ang panukalang ito na ay salungat umano sa Comprehensive Tax Reform Program ng pamahalaan.

Lumabas din aniya sa pag-aaral na masiyadong malaki ang mawawala sa revenue ng Gobyerno sakali mang alisin na ang buwis sa mga poll workers.

Samantala, vi-neto rin ni Marcos ang panuikala na layong magtatag ng Philippine Transportation Safety Board.

Paliwanag sa veto message – redundant na ang mga tungkulin ng PTSB sa mga trabahong ginagampanan ng Transportation Department, PNP at maging ng NBI.

Sakali mang buoin ang naturang body, magkakaroon lang umano ng kalituhan sa authority, at ineffectiveness sa mga resposibilidad nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *