Local News

Binata na sinaksak matapos may makaalitan sa Restobar, namatay na

Namatay na ang isang 26 anyos na binata makaraang masaksak noong madaling araw ng Biyernes, ika- 16 ng Disyembre 2022 sa Alfonso XIII Quezon, Palawan.

Kinumpirma sa Brigada ng kaanak na alas- otso kagabi ay binawian na ng buhay ang biktimang si JEMON MORANO, 26 anyos sa ospital sa Puerto Princesa.

Sa imbestigasyon ng PNP, bago ang pananaksak ay naka-alitan ng biktima ang isang Alvin Aclaracion ng Panitian, Quezon sa loob ng painuman pero naawat ito ng mga naroon.

Matapos ang pag-aaway ay umalis sa painuman si Jemon at isang kasama nito sakay ng motorsiklo pero nang sila’y huminto 50 metro ang layo mula sa painuman ay biglang dumating ang dalawang kalalakihan.

Isa sa dumating na lalaki ang sumaksak ng tatlong beses sa tagiliran ng biktima gamit ang umano’y ice pick.

Agad umanong tumakas ang mga suspek matapos ang pananaksak, ayon sa PNP Quezon.

BNFM Palawan

Recent Posts

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

6 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

10 mins ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

16 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago