Binata, patay matapos makuryente sa Lipa City

BINATA, PATAY MATAPOS MAKURYENTE SA LIPA CITY, BATANGAS

Binawian ng buhay ang isang 21-anyos na lalaki matapos na makuryente sa kanya mismong bahay sa Purok 1, Barangay Calamias, Lipa City, Batangas.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang biktima na si Romeo Reyes na isang construction worker.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-11:00 ng umaga nitong August 23, 2023 nang planong ikabit ng biktima ang pintuan sa hamba gamit ang isang electric drill nang biglang makuryente.

Dahil sa lakas ng shock ng kuryente ay agad na natumba sa sahig ang biktima.

Dinala pa si Reyes sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival ng doktor.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang nangyaring insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *